Huwag, Maawa Po Kayo!
Halikayo dito! Subukan natin ang mga hayop at ibon na nag lipana sa burol na ito, ang tawag ni Ambrosio sa kasama. Hayan o, tingnan nyo ang maraming hayop na nanginginain.
Oo nga! ang patotoong bigkas ni Alipio sa mga kasama, Maganda ang lakad natin ngayong araw na ito.
Humanda na ang lahat sa pag-aabang sa mga hayop na kanilang babarilin.
Bang!, isang putok ang umalingawngaw sinundan pa ito ng isa, dalawa at marami pang putok. Pagkatapos ng ingay, tumambad sa kanilang harapan ang ilang hayop na nakabulagta at duguan. "Ramon" damputin mo na ang usang napatay mo!, ang tuwang tuwang tawag ni Pabling sa kaibigan. Eto o, tingnan ang matabang baboy damo sa aking likuran.
Ikaw Alipio ano ang napatay mo? tanong ni Ramon sa kanya.
Wala eh, ang kanyang tugon.
Kasi nang babarilin ko ang isang usa, bigla itong tumingin sa aking na para bang nagmamakaawang huwag ko siyang patayin, paliwanag niya.
Pambihira ka naman. Kaya tayo nandito ay para mamaril ng mga hayop na ito. Bakit na ngayon na nakakita tayo ng mababaril saka ka naman nagkararoon ng awa? ang sumbat ng mga kasamahan sa kanya.
Alam ninyo, naalala ko lamang. Ilan na ang napapatay na nating mga hayop simula nang tayo ay namaril nito? Hindi kaya ito maubos kung patuloy natin sila hahabulin upang patayin? Tingnan mo ang napatay mong baboy damo, sabay turo kay pabling.
Hindi na ba kayo naawa sa mga anak na naiwan ng baboy na iyan? Hindi kaya mamatay ang mga anak niyan ngayong wala na iyan?
Natigilan ang lahat. Bawat isa ay pareho ang inisip, Ano nga kaya pagdating ng araw, meron pa kayang hayop-ilang na matira kung patuloy silang papatayin?"
At ang lahat ay nagsilisan nang tahimik.
(Ako lamang ay isang estudyante na kumopya sa libro) at hindi nagmamayari nitong kwento)
No comments:
Post a Comment