Sunday, September 19, 2010

Pusa at Aso

     Noon daw unang panahon, ang aso at pusa ay lubhang matalik na magkaibigan. Hindi sila naghihiwalay. Kung saan nandoon ang isa, tiyak na naroroon ang isa.
     Minsan ay nagkaroon ng paghihikahos sa kanilang lugar at wala sila halos makain. Gayun pa man ang anumang pagkaing kanilang matagpuan ay kanilang pinasasaluhan. Maraming naiinggit sa kanilang pagsasamahan. Habang ang dalawa ay kumakain, nagsalita ang aso.
     "Kaibigan, ano kaya at umalis tayo dito. Magtungo tayo doon  sa lugar na may makakain tayo."
     Naisip ni Pusa na tama ang kanyang kaibigang aso kaya't silang dalawa ay umalis ng kanilang bayan.
     Napadako sila sa isang malayong bayan. At doon ay kinupkop sila ng isang lalaking may magandang kalooban. Pinatauloy sila sa kanyang bahay at binigyan  ng gawain kapalit ng pagtira sa bahay nito at pagbibigay ng pagkain sa kanila.
      Sa unang mga araw, naging maganda ang kanilang samahan. Maging ang kanilang amo ay nasiyahan sa kanilang ginagawa.. Subalit, minsan ang kanilang amo ay naguwi ng pagkain ngunit tila si pusa ay nakalimutang bigyan. Nakita ni Pusa ang pagkain ni Aso nang mag-isa at hindi man lamang siya nilapitan para bigyan tulad ng dati niyang ginagawa.

     Naulit pa ang pangyayaring iyon ng ilang beses kung kaya't unti-unting nagtanim ng galit at inggit si Pusa sa kanyang kaibigang aso. Nakita niya na tila naging higit ang pagmamahal ng kanilang amo kay Aso kaysa sa kanya.
     Nang minsan nagpaalam ang kanilang amo, pinagbilinan silang dalawa ng mga gagawin sa bahay, subalit pagka-alis nito, si Pusa ay nagsakit-sakitan. Sinabi niya kay Aso na hindi siya makagagawa sapagkat siya ay may sakit.. Naawa si Aso kay Pusa kung kaya't siya na ang umako ng lahat ng gawain sa bahay. Si Pusa ay nanatiling nakahiga at hinintay na matapos si Aso sa lahat ng mga gawain. Bilang kunwaring paglalambing ay inutusan niya si Aso na bumili ng maiinom sa labasan na sinunos naman nito.
     Habang wala sa bahay si Aso, ay dumating ang kanilang amo. Nagkunwaring nagtatrabaho si Pusa na kunwaring hirap na hirap. Ito ang inabutan ng amo kung kaya't sa awa kay Pusa, tinanong niya kung nasaan si Aso. Sinabi ni Pusa na si Aso ay walang ginagawa kung hindi ang umalis ng bahay kapag siya ay wala at ang lahat ng gawain ay sa kanya ibinibigay.
     Nagalit ang amo sa aso. Nang dumating itoay agad ni itinaboy ng amo. Hawak ang pamalo, pinagsabihan si Aso na huwag ng tutungtong ng bahay at ito ay umalis na. Walang nagawa si Aso kung hindi ang tumalikod at umalis taglay ang galit kay Pusa.

     Simula noon, kahit saan magkita ang dalawang hayop, sila ay laging nag-aaway. 


     

Friday, June 25, 2010

Si Esopo, ang Matalinong Alipin

Si Esopo, ang Matalinong Alipin
      Ayon sa aklat na aking nabasa , nayroon daw isang alipin na ang pangalan ay Esopo. Si Esopo ay isang matalinong alipin ng hari. Minsan ay tinawag sya ng hari. 

      Esopo, tayo ay magtutungo sa isang malayong lugar. Magdala ka ng bagay sa ating paglalakbay, sabi ng hari.  
Opo, mahal na hari, tugon si Esopo, sabay sa kuha sakaing ng mga pagkain na siyang pinakamalaki at pinakamabigat sa lahat. 

      Nang makita ito ng mga alipin, sila ay nagtawanan.

     Tingnan mo si Eposo, napakatanga. Ang layo ng ating lalakarin, iyon pa ang dinala.

      Sige, kunin ang mga pagkain para sa oras na ito, utos ng hari.

     Hindi kumibo si Eposo. Pagkaraan ng ilang oras, ang lahat ay tumigil. Iniutos ng hari ang pagkain.

      Pagkakain ay muli silang naglakbay. Dumaan ng malaki Gumaan ng malaki ang dala ni Eposo. Bago sila nakarating sa paroroonan, si Eposo ay wala nang dala.

Muling nagutos ang hari nang makarating sa pupuntahan.

      Eposo, magluto ka ng pinakamasarap na pagkain para sa aking bisita.

      Opo, mahal na hari, at sinunos ni Eposo ang bilin ng hari.

      Nang binuksan ng hari ang ulam, tumambad ang dila sa hapag-kainan. At ang lahat ay nasiyahan sa sarap ng pagkaing inihain. Inisip ng hari na kung mayroong pinakamasarap na pagkain maaaring maihain, mayroon din sigurong pinakamasamang pagkain. 

      Tinawag niyang muli si Eposo. Iniutos niya na ipaghain sila pinakamasamang pagkain sa balat ng lupa.

      Eposo, ngayon din ay magpaliwanag ka sapagkat hindi ako nasiyahan sa iyong paliwanag, ipapapatay kita, ang galit na pahayag niya. Bakit kanina ay dila ang inihain mo at sinabing mong ito ang pinakamasarap na pagkain? Ngayon ay dila rin ang ipinakita mo sa akin? Niloloko mo ba ako?

      Tama po ang ginawa ko. Inutusan niyo po ako na maghain ng masarap na ulam at dila ang aking inihain. Dila po ang nagpapaganda sa ating mundo, hindi po ba dila ang dahilan kung bakit maraming kaibigan ngayon? Sa inyo pong mga magagandang pananalita, nakukuha ninyo ang kalooban ng lahat upang maging inyong kaibigan.

      Pero bakit sinabi mo na ito rin ang pinakamasamang pagkain? Ipaliwanag mo. Tugon ng hari.

      Mahal na hari bakit po kayo nagagalit? Hindi po ba ang dila ang pinakamasamang pagkain ng tao? Hindi po ba dahil sa kasinungalingang sinasabi ng dila? Ano po ba ang dahilan ng digmaan sa mundo? Hindi po ba dahil sa dila na nagsusulsol sa mga pinuno para makipagdigmaan sa kapwa tao? Tunay po na mabuti ang dila kung ito ay ginagamit sa kabutihan. Pero ito rin po ang pinakamasama kung ginagamit sa pagpapahayag ng kasinungalingan at kasamaan. 

      Natuwa ang hari sa paliwanag ng alipin. Simula noon naging tagapayo ng hari si Eposo.

(Ako ay isa lamang estudyante na kumokya ng kwento sa libro)Gusto ko lamang na ibahagi ng mga kwento)

Thursday, June 24, 2010

Huwag, Maawa Po Kayo!
     Halikayo dito! Subukan natin ang mga hayop at ibon na nag lipana sa burol na ito, ang tawag ni Ambrosio sa kasama. Hayan o, tingnan nyo ang maraming hayop na nanginginain.
     
      Oo nga!  ang patotoong bigkas ni Alipio sa mga kasama, Maganda ang lakad natin ngayong araw na ito.

      Humanda na ang lahat sa pag-aabang sa mga hayop na kanilang babarilin.

      Bang!, isang putok ang umalingawngaw sinundan pa ito ng isa, dalawa at marami pang putok. Pagkatapos ng ingay, tumambad sa kanilang harapan ang ilang hayop na nakabulagta at duguan. "Ramon" damputin mo na ang usang napatay mo!, ang tuwang tuwang tawag ni Pabling sa kaibigan. Eto o, tingnan ang matabang baboy damo sa aking likuran.

      Ikaw Alipio ano ang napatay mo? tanong ni Ramon sa kanya.

      Wala eh, ang kanyang tugon.

      Kasi nang babarilin ko ang isang usa, bigla itong tumingin sa aking na para bang nagmamakaawang huwag ko siyang patayin, paliwanag niya.

      Pambihira ka naman. Kaya tayo nandito ay para mamaril ng mga hayop na ito. Bakit na ngayon na nakakita tayo ng mababaril saka ka naman nagkararoon ng awa? ang sumbat ng mga kasamahan sa kanya.

      Alam ninyo, naalala ko lamang. Ilan na ang napapatay na nating mga hayop simula nang tayo ay namaril nito? Hindi kaya ito maubos kung patuloy natin sila hahabulin upang patayin? Tingnan mo ang napatay mong baboy damo, sabay turo kay pabling.

      Hindi na ba kayo naawa sa mga anak na naiwan ng baboy na iyan? Hindi kaya mamatay ang mga anak niyan ngayong wala na iyan?

      Natigilan ang lahat. Bawat isa ay pareho ang inisip, Ano nga kaya pagdating ng araw, meron pa kayang hayop-ilang na matira kung patuloy silang papatayin?"

      At ang lahat ay nagsilisan nang tahimik.

(Ako lamang ay isang estudyante na kumopya sa libro) at hindi nagmamayari nitong kwento)